62
Posadas-Wong, Tan todo ensayo para sa SEA Games
Jul 23, 2019 @ 19:18
By

Posadas-Wong, Tan todo ensayo para sa SEA Games

Target ng men’s at women’s bowling team na makasungkit ng medalya sa 30th Southeast Asian Games sa Disyembre.

Ayon kay na Philippine team candidates Lara Posadas-Wong at Merwin Tan, ginagawa lahat ng Philippine Bowling Federation (PBF) ang kanilang makakaya upang bumuo ng best team para masundan ang first bowling gold noong 2005 edition SEA Games.

“We’ll do our best to win gold medals for the Philippines this coming SEA Games. We cannot assure anything right now, but we’re really practicing very hard. So hopefully, maipakita namin ito sa SEA Games,” pahayag ni Posadas-Wong.

“The target is of course, manalo ng medal,” dagdag naman ni Tan sa kanilang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes sa Amelie Hotel-Manila, matapos ang kanilang victorious stint sa 45th Hong Kong International Open.

Kampeon si 29-year-old Posadas-Wong sa Hong Kong leg ng Asian Bowling Federation Tour at tumapos bilang second runner-up sa ladies division ng Hong Kong Open.

Hakot rin ng parangal si 20-year-old Tan nang maiuwi nito ang championship sa Youth Masters Division at magtapos bilang second runner-up sa parehas na Men’s Open division at Youth Boys doubles kasama si Patrick Nuqui.

Kasalukuyang reigning Asian Youth champion si Tan matapos ang event nitong Abril sa Malaysia.

Magiging basehan para sa pagpili ng mga lalahok sa men’s at women’s team sa SEA Games ang mga tournament na Hong Kong Open, Philippine Open, at Singapore Open, ayon sa dalawang bowlers.

Saad pa ni Posadas-Wong, na nagwagi ng bronze medal sa SEA Games Singapore (2015) at Malaysia (2017), sa session na hinahandog ng San Miguel Corporation, Braska Restaurant, Amelie Hotel, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na puntirya ng mga ito ang gold medal.

“Though challenging, sa team (events) kaya kahit ano’ng kulay. May chance kahit anong kulay,” sabi ni Lara.

“Individually, we’re getting there (pero) madami pang kailangan trabahuhin. But we’ll get there.”

Lalaban si Posadas-Wong sa Las Vegas para sa World Women’s Championship sa susunod na buwan at Asian Bowling Championships sa Kuwait.

Samantala, aaksyon naman si Tan kasama ang men’s team sa Asian meet sa Kuwait at U-22 meet sa Japan sa Agosto.

Inaasahan na ilalabas ng PBF ang final line-up ng bubuo sa national team para sa SEA Games sa buwan ng Setyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?