64

Dec 15, 2017 @ 14:16

Porzingis namaga ang tuhod, umeksit sa Knicks-Nets game

Inilabas ni New York Knicks star Kristaps Porzingis ang sarili sa third quarter ng laro bago ang 111-104 win ng kanyang koponan sa Brooklyn Nets dahil sa iniindang sakit sa kaliwa niyang tuhod.

Hindi sinasadya kasing ma-twist nito ang kanyang tuhod sa first half habang dinedepensahan si Brooklyn’s Rondae Hollis-Jefferson.

Nagdesisyon siyang lumabas agad ng court matapos sumakit ito sa third quarter.

Nakatakda namang sumailalim na sa X-ray at MRI si Porzingis sa Biyernes (Sabado, PH time).

Ayon kay Porzingis sa ESPN, nakakatayo naman siyang mag-isa ngunit hindi sigurado kung makakasama siya ng koponan sa pagharap kay Carmelo Anthony at sa Oklahoma City Thunder sa Sabado, depende pa sa kalalabasan ng resulta ng kanyang X-ray at MRI.

Bago lumabas ng court ay nakapag-ambag pa ang 22-anyos na Knicks player ng 26 points, anim na rebounds at dalawang blocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?