39

Dec 13, 2017 @ 14:52

Porzingis binuhat ang Knicks kontra Lakers 113-109 sa OT

Nagtala si Kristaps Porzingis ng 37 points at 11 rebounds sa overtime victory ng Knicks laban sa Los Angeles Lakers 113-109.

Nag-ambag naman ng 13 points, kabilang ang tiebreaking follow up shot at isang assist sa extra period para umangat ang Knicks sa 14-13. Labingtatlo sa kanilang panalo ay sa Madison Square Garden.

Malaki din ang naiambag ng rookie ng Knicks na si Frank Ntilikina sa fourth quarter at overtime kung saan nadepensahan nito ng mabuti si Lonzo Ball na nanalasa sa third quarter.

Si Ball ay nagsalasansan ng 17 points, eight rebounds at six assists sa third quarter subalit nabokya sa fourth quarter hanggang sa overtime.

Pinangunahan ni Kentavious Caldwell-Pope ang Lakers sa kanyang 24 points, habang may 19 points naman si rookie Kyle Kuzma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?