179

By

Porzingis binanatan sa Latvia, duguan

Dahil umano sa inis ng ilang New York Knicks fan, napagbuntunan ng galit ang dating player ng koponan na si Kristaps Porzingis.

Nangyari ang insidente sa labas ng isang club sa kanyang hometown ng Liepaja, Latvia, at sinasabing tinambangan si Porzingis dahil sa pag-iwan umano nito sa Knicks.

“It is our understanding that Kristaps was jumped and assaulted outside of a club in Latvia. We will provide an update when one is available,” saad sa statement ng current team niya na Dallas Mavericks.

Makikita sa video ng New York Daily News Reporter na si Stefan Bondy ang duguang ulo ng Latvian dahil sa pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?