575
Porter may tamang ‘recipe’ para mapatumba si Pacman
Aug 17, 2019 @ 19:18
By

Porter may tamang ‘recipe’ para mapatumba si Pacman

Kumpiyansa si two-time welterweight world champion Shawn Porter na kaya nitong pabagsakin sa ring si Senator Manny Pacquiao.

“You know, I just think I know what it takes to beat Manny,” tila pagyayabang nito kontra sa Pinoy ring icon.

Ang 31-anyos na si Porter ay isa ngayon sa nakahilerang gustong kumalaban sa pambatong boksingero ng bansa.

Ayon pa sa American professional boxer, nasilip at napag-aralan na nito kung paano mapatumba ang fighting senator nang ma-knockout ito noon ng Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez. “I think we saw a small glimpse to that when JuanMa [Marquez] knocked him out,” sambit pa nito sa panayam ng EsNews.

Timplado at alam na umano niya ang tamang ‘recipe’ sa laban kaya nagyayabang itong madungisan din ang pangalan ng greatest professional boxers of all time na si Pacman.

“I think I kind of have that recipe already, so I think I know what to do,” dagdag pa ni Porter. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?