159

Nov 9, 2019 @ 19:04
By

Porter mainit kay Pacquiao

Muling sinabi ni two-time welterweight champion Shawn Porter na target nitong makasapakan sa boxing ring sa 2020 si Senator Manny Pacquiao.

Sa report ay lumalabas na niluluto ang paghaharap nila ng world champ boxer na si Danny Oscar Garcia. Ito ay dahil na rin sa nakabitin ang nakatakdang laban sa fisrt quarter ng 2020 nina Garcia at Errol Spence nang masangkot sa aksidente ang huli.

Pero ayon kay Porter, bukod kay Garcia ay mas type nitong maka-one-on one ang Pambansang Kamao.

“The whole promotion was leading up to who would fight Manny Pacquaio next,” sambit kamakailan ni Porter.

“Danny got in the ring and called (Spence) out. So, I want to get in there and call Manny out,” tila paghahamon pa ng American boxer kontra sa fighting senator, kasalukuyang WBA 147-pound ruler.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?