24

May 25, 2020 @ 13:44
By

“Porter, kursunada ang career ni Pacquiao kaysa kay Mayweather”

Nagretirong undefeated si Floyd Mayweather pero mas maraming bumibilib kay eight-division World champion Manny Pacquiao.

Kung si former WBC welterweight champion American Shawn Porter ang tatanungin, mas gugustuhin niya na maging katulad ng boxing career ni Pacquiao.

Ayon kay Porter bilib siya sa istilo ni Pacquiao sa pakikipagbuntalan, mga exciting ang kanyang laban at nirerespeto siya ng maraming fans, ‘yun ang dahilan kaya mas gusto niya ang career ng Filipino boxer.

“I’m actually gonna go with Manny,” saad ni Porter sa kanyang interview kay Dan Rafael. “You know me — I like the war, I like the battle, and I like the excitement. For those reasons, I would pick Manny.”

Sinabi pa ni Porter na may pagkakatulad ng istilo niya sa laro ni Pacquiao.

“Even me as the boxer, because just like when I get in the ring and I get people up on their feet, that’s what Manny Pacquiao did,” wika ni Porter. “Floyd’s (Mayweather) been able to do it, but not as much.”

Pang fifth sa ranking ang 32-anyos na si Porter, (30-3-1) sa welterweight division ng The RING Magazine, umaasa ito na makakalaban si WBA “super” welterweight champion Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?