34
Porter Jr. pahinga muna sa Summer League
Jul 5, 2019 @ 13:53
By ,

Porter Jr. pahinga muna sa Summer League

Kinumpirma ni Denver Nuggets forward Michael Porter, Jr. sa The Undefeated na uminda na naman siya ng injury sa kanyang tuhod matapos itong tumama sa kalagitnaan ng laban ng tropa nitong Miyerkoles (Huwebes sa Pilipinas).

Ayon pa sa source ng The Undefeated, hindi na makakapaglaro sa Las Vegas Summer League si Porter dahil sa kanyang left knee strain at inaasahan na magiging malusog ito sa training camp.

Si Porter na 14th overall pick noong 2018, ay inaasahan na magde-debut ngayon sa Summer League matapos magpahinga sa buong rookie season dahil sa kanyang back surgery.

“You feel bad, because the kid has been putting in a lot of work, and he was excited to play,” sabi ni Nuggets assistant coach Jordi Fernandez.

“But obviously the most important thing for him is to be ready for the NBA season. Again, it’s nothing major.”

Wala nang iniinda na kahit anong sakit sa likod ang dating Misouri forward sa gitna ng practices at scrimmages ngayong linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?