24

Jul 1, 2020 @ 15:05
By

Portability housing program para sa mga guro isinusulong ni Tolentino

Kailangang bigyan ng libreng matitirahan ang mga guro sa pampublikong paaralan na nakatalaga sa mga liblib na lugar sa bansa, ayon kay Senador Francis Tolentino.

“If you invested a certain amount in a locality as a teacher temporarily based in Molave for instance and later on you decide to transfer to other locality, the amounts you paid during your first five years in the temporary shelter program will be carried over to your permanent housing facility,” sabi ng senador.

Isinulong ni Tolentino, chairman Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement, ang pagdinig ng mga panukala para sa iba’t ibang programang pampabahay para sa mga guro.

Ayon sa senador, malaking tulong aniya ang kanyang panukala sa mga guro lalo na iyong pansamantala lamang ang teaching assignment sa isang partikular na lugar.

“Halimbawa bagong teacher ako, bumili ako ng bahay sa isang komunidad pero hindi naman ako magiging permanente doon. Dapat iyong naihulog ko, iyong amortization ko dapat ma-carry doon naman sa paglilipatan ko na permanently na lugar,” paliwanag ni Tolentino.

Ang bayad sa temporary housing project ay itutuloy na lang ng panibagong guro na itatalaga din sa nasabing lugar.

Kinatigan naman ni Jimmy Sarona, acting executive vice president ng Home Guaranty Corporation, ang panukala ni Tolentino dahil karamihan aniya ng mga guro ay hindi permanenteng nakatalaga sa isang lugar.

Subalit kailangan umanong pag-aralan ito dahil sa ilang polisya ng Home Development Mutual Fund o PAG-IBIG at iba pang housing agencies tungkol sa real estate mortgage at contract to sell.

“Kailangang pag-aralan maigi kasi iyong existing real estate policy natin, single loan lang sila,” sabi ni Sarona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?