116

Oct 31, 2017 @ 17:53

Port of Manila, nasa 32nd spot worldwide

Tumaas ang ranking ng Port of Manila sa listahan ng mga top container ports sa buong mundo.

Lumabas sa Lloyd’s List, ang pinakamatagal nang publication tungkol sa shipping sa buong mundo, na tumaas ng apat ang ranking ang Port of Manila na ngayon ay nasa pang-32 pwesto ng 2016 top 100 container ports sa buong mundo.

Tumaas din sa pang-22 ang pwesto ng Port of Manila sa mga pantalan sa Asya na kasama sa nangungunang 100 container ports.

Ang Port of Manila ay binubuo ng Manila International Container Terminal (MICT) at Manila South Harbor.

Nakatulong umano sa mas mahusay na ranking ng Port of Manila ang pagpapatupad ng Terminal Appointment Booking System na sinimulan noong 2015.

Dahil sa nasabing sistema, mas naging maayos ang pagproseso sa mga container dahilan kaya tumaas ng 13.8% ang container volume nitong 2016 kumpara noong 2015.

Dinaig ng Pilipinas sa listahan ang iba pang international port gaya ng Felixstowe Port sa England, Seattle Port sa Amerika, Vancouver Port sa Canada, Kobe Port sa Japan, Incheon Port sa South Korea, Nagoya Port sa Japan, Melbourne Port sa Australia at Port of London..

“This is a great testament that the Philippines has had very robust economy at least in the past two years,” saad ni PPA General Manager Jay Daniel R. Santiago. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?