153
crime-scene-dead
Jun 2, 2018 @ 14:27

Port manager sa Bataan, itinumba

Binaril at napatay ng mga ‘di pa kilalang gunman ang isang manager sa Philippine Ports Authority sa Bataan noong Biyernes.

Ayon sa report, sugatan din sa ambush bandang alas-5:30 ng hapon ang kasama sa loob ng sasakyan ng manager.

Patungo si Froilan Abella, 60, sa Bacoor, Cavite nang harangin ang sinasakyan niya at paulanan ng bala sa harap ng Petron Clinic sa Barangay Lamao.

Dinala sa ospital sa Orion si Abella pero namatay din.

Samantala, maayos na umano ang lagay ng isa pang pasahero na si Jocelyn Reyes, habang ang asawa nitong si Christian Reyes, na siyang driver ni Abella ay hindi nasaktan sa insidente.

Kasalukuyan na umanong nasa kustodiya ng mga imbestigador ang dashboard camera na nasa sasakyan ng mga biktima na posibleng nairekord ang pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?