36

Dec 22, 2017 @ 18:00
By

Port congestion pinareresolba kay Duterte ng ABCI

Malaking problema pa rin ng Aduana Business Club Incorporated (ABCI) ang port congestion sa mga pantalan dahil nahihirapan nang magsauli ng mga container van sa mga designated depot ng mga walang laman na container.

Ito’y sa kabila ng pagtatanggol ng international container terminal incorporated na walang congestion sa pantalan dahil puwede naman anila na magsauli sa Port of Batangas.

Kaugnay dito, maigting ang panawagan ng mga truckers, brokers at stakeholders kay Pangulong Rodrigo Duterte na resolbahin ang problema sa mga pantalan para hindi maapektuhan ang ekonomiya sa bansa.



Ayon kay Mary Zapatal, pangulo ng ABCI, bukod sa congestion sumasabay din aniya ang Department of Public Works and Highways sa tinawag niyang pagtawid sa halagang P500 nang hindi maabala sa pagbiyahe.

Giit ng ABCI, ang mga shipping line ang nakikita nilang umaabuso gaya ng requirement sa pag-charge o deposit sa bawat container na kanilang isinasauli kung saan gumagastos ang mga truckers ng P200 hanggang P500.



Nangangamba rin si Zapatal sa plano ng gobyerno na total truck ban sa Maynila dahil hindi lang mga negosyante ang maaapektuhan kundi maging ang mga driver na umaasang makakapaghanapbuhay na mawawalan ng trabaho. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?