924

Jun 18, 2021 @ 8:54
By

Pornhub nireklamo sa rape, child exploitation

Niyugyog ng kaso ang online website na Pornhub dahil sa umano’y pinagkakakitaan nito ang mga video ng rape, child sexual explotation at iba pang content na walang consent.

Ang kaso ay sinampa ng Brown Rudnick LLP kung saan nirepresenta nila ang 34 na sinasabing nabiktima ng Pornhub dahil sa sexual exploitation.

Ito ay kontra sa MindGeek, ang parent company ng Pornhub, na may hawak din sa iba pang website tulad ng RedTude at YouPorn.

Isa sa mga nakuhanan ng video at nilabas sa Pornhub ang nagsalita sa isang conference call kung saan sinabi nito na sinira ng naturang website ang kanyang buhay.

“It is time for the companies and individuals who have profited off of nonconsensual and illegal content be held liable for their crime,” giit ng complainant.

Pahayag naman ng Pornhub, kanila nang inaaral ang naturang reklamo at kanila itong sineseryoso, ngunit pumalag sa paratang na ‘criminal enterprise’ umano ang kanilang website.

“The allegations in today’s complaint that Pornhub is a criminal enterprise that traffics women and is run like ‘The Sopranos’ are utterly absurd, completely reckless and categorically false,” giit ng Pornhub.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?