84

Jun 24, 2020 @ 10:41
By

Porn star Ron Jeremy inakusahan ng rape

Pwedeng makulong nang hanggang 90 taon si porn star Ron Jeremy sakaling mahatulang guilty sa kasong panggagahasa sa 3 babae at pangmomolestiya ng 1 pa.

Ayon sa Los Angeles county prosecutors, inatake niya ang mga babae–edad 25 hanggang 46–mula 2014 hanggang 2019.

Si Jeremy, na may real name Ron Jeremy Hyatt, ang isa sa mga pinakakilalang pangalan sa pornography at bumida sa higit 2,000 palabas mula pa 1970s.

Ayon kay Los Angeles County District Attorney Jackie Lacey, inakusahan ang 67-anyos na lalaki ng pangre-rape umano sa isang 25-anyos na babae sa isang bahay sa West Hollywood sa Los Angeles, California.

Naganap naman ang umano’y 3 atake sa isang bar sa nasabing lugar sa Los Angeles mula 2017 hanggang 2019.

Ayon sa mga prosecutor, hihingi sila ng piyansang nagkakahalagang $6.6 milyon o P330.33 milyon.

Samantala, binasura ang katulad na kaso laban sa porn star noong 2016.

Inulat ng Rolling Stone noong 2017 na higit 12 babae ang inakusahan si Jeremy ng sexual misconduct kabilang ang groping, inappropriate touching, non-consensual digital penetration, at sexual assault.

“[I had] never and would never rape anyone,” giit ni Jeremy sa nasabing magazine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?