445

Nov 29, 2021 @ 15:54
By

Porn star naputukan sa ari ng totoong baril

Nasaktan sa putok ang isang babaeng porn star sa US dahil putok galing sa isang tunay na baril ang tumama sa kanyang pagkababae.

Ayon sa ulat, kinilala ang babae na si Lauren Hunter Daman, na isang webcam model sa porn website na Chaturbate.

Ang 9mm na baril umano ay pagmamay-ari ni Jordan Allen, na nakatira kasama ni Daman.

Batay sa kwento ni Allen, bigla na lamang siyang nakarinig ng putok ng baril at pagpunta niya sa kwarto ay nakita niyang umaagos na ang dugo mula kay Daman,

Sinabi umano ni Daman na aksidente niyang nabaril ang sarili.

Pinaniniwalaan namang kinukuhanan ni Daman ng video ang sarili para sa kanyang naturang trabaho nang aksidente niyang mabaril ang sarili sa ari.

Nadala naman sa pagamutan ang porn star at maayos na ang kalagayan.

Hindi naman tinitingnan ng mga awtoridad ang posibilidad na may makasuhan sa naturang pangyayari. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?