46

Nov 3, 2019 @ 16:43
By

Pork isisingit ng mga kongresista sa Bicam – Lacson

Bagama’t wala nakitang ‘pork’ sa inaprubahan ng Kamara na panukalang 2020 budget, posibleng umanong isingit ito ng mga kongresista sa bicameral conference committee, ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

“Kung hawak-hawak nila ‘yan (pork as amendments), baka gagawin nila yan pagdating sa bicam, doon nila ipapasok. ‘Yan ang delikado. ‘Yan ang malaki,” pahayag ng senador sa panayam sa dzBB.

Pero tiniyak ni Lacson na babantayan ng Senado ang anumang tangkang pagsingit ng mga kongresista ng pork sa bicam.

“Doon kailangan bukas ang aming mga mata. Pero alam mo, small group lang yan. Hindi naman lahat ay member ng bicam. Pine-present ang BCC report sa plenary para ratipikahan,” ani Lacson.

“Kung magpapabaya kami roon, doon maipapasok lahat ng, kung totoo man na meron silang kanya-kanyang hawak o naisumite na sa finance committee chairman nila, sa appropriations committee chairman nila, ang listahan ng mga gustong proyekto ng mga kongresista; malamang sa hindi sa BCC nila yan ilalatag o ipapasok.”

“Yan ang delikado. At yan ang kailangan bantayan ng Senado, at least ng magiging member ng BCC,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?