48
ping-lacson
Dec 11, 2018 @ 16:58
By

Pork insertions hinog na para imbestigahan ng Ombudsman – Lacson

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na maaari nang mag-imbestiga ang Ombudsman sa ibinulgar niyang pagsisingit ng mga kongresista ng pork barrel sa panukalang pambansang badyet sa 2019.

Kasunod ito ng pagbubunyag ni House Majority Leader Rolando Andaya na may maliit na consruction company sa Bulacan na nakakopo na ng 30 proyekto na gagastusan ng bilyon-bilyong piso bago pa man naaprubahan ng Kamara ang panukalang 2019 budget.

“Expose pa more! A single contractor bagging 30 flood control projects worth billions of pesos calls for a congressional inqury/Ombudsman investigation,” ani Lacson sa kaniyang Twitter account.

Ikinatuwa naman ni Lacson na nagsalita ukol dito si Andaya dahil bigla siyang nagkaroon ng kakampi sa kaniyang krusada laban sa pork barrel.

“Thank God, I found an unlikely ‘ally’ in Cong. Andaya,” sabi pa ni Lacson.

Sa isang panayam, tinukoy ni Andaya ang kontratistang CT Leoncio Construction and Trading na pagmamay-ari ng isang Consolacion Tubuhan Leoncio.

Nakabase umano ito sa Bulacan pero nakakuha ng flood control projects sa mga lalawigan ng Sorsogon at Catanduanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?