283
ABANTE bong revilla laya
By

Pork barrel scam whistleblower, bumaligtad sa testimonya laban kay Revilla

Sharing is caring!

Binawi ni pork barrel scam whistle-blower Marlina Sula ang kanyang naunang testimonya laban kay dating Senador Ramon Bong Revilla Jr.

Sa direct examination ng panig ng depensa, sinabi ni Sula na tinuruan lang siya ng prosekusyon na mag-corroborate sa mga sasabihin ng kapwa-whistle blower na si Benhur Luy.

Itinanggi ni Sula nakaharap nito si Revilla noong panahong empleyado siya ni Janet Lim Napoles, pero may hinawakan siyang mga dokumento ng pekeng foundation ng Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundation, Inc.

Itinuro din nito si Luy na siyang salarin sa pamemeke ng mga pirma ng dating senador sa endorsement letters para mga foundations ni Napoles na pinondohan ng pork barrel.

“Si Benhur, siya yung mahusay pumira ng lawmakers at siya yung nakikita kong pumipirma para sa lawmakers. Wala pong alam si Senator Revilla sa paggawa po ng endorsement letters,” sabi ni Sula.

Nang tanungin ni Atty. Reody Anthony Balisi kung bakit ito bumaligtad sa kanyang testimonya, sumagot si Sula na ang kanyang mga naunang pahayag sa bail hearings noong 2014 ay base sa pakikipagpulong niya sa Ombudsman prosecution panel na humahawak sa kaso ni Revilla.

“Sinabihan kasi ako ng panel na mag-corroborate sa sinabi ni Benhur kasi si Benhur ang nauna sa bail hearings. Mayroon po siyang mga sinasabi na para sa akin hindi totoo,” dagdag ni Sula.

Tinukoy ni Sula si noo’y Director at ngayo’y Joefferson Toribio na siyang nagturo sa kanya ng mga dapat sabihin.

“Ang sabi ni director magiging conflciting sa sinabi ni Benhur na ini-email muna [ang endorsement letters]. Pero hindi naman ini-email kasi ginagawa sa office ang document,” ayon kay Sula. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?