54

By

‘Popsters kalma lang tayo!’ — Sarah

Sharing is caring!

Masayang Sarah Geronimo na ang humarap sa mga manonood sa concert niya nitong May 4 sa Chicago. Sa mga video na pinost ng isang nagngangalang Connie De Leon, nakangiti, palabirong Sarah na ang napanood ng mga kababayan natin sa America.

“‘Yun pala ‘yon. Hindi po ako prepared. Pero, I’ve been dreaming of it ever since I was a little kid. Hindi lang po ako naging prepared for everything. Lahat may pressure, ano ang next na movie ko, next na song ko, next na pasabog, next na susuutin ko, make up ko. Lagi na lang kailangan pag-isipan lahat. Kailangan maganda ka lage, naka-make up. Ewan ko ba pero ganun talaga.

“Last time na nag-concert ako talagang nag-panic ako. Walang tulog. Tapos parang nawawala ang boses ko. Diyos ko Lord. Naalala ko journey ko. Siyempre lahat tayo may battles sa life natin.

“Pero wala pong iyakan ngayon, bawal nanu-news tayo,” sey ni Sarah na naging dahilan para magtawanan, sigawan ang mga manonood.

“Akala ng iba nag-inarte lang ako. Naku, baka mawala lang ito lahat. So, hanggang meron go lang, ipon tayo, 30 na ako. Kailangan talaga habang meron pa tuloy-tuloy lang,” saad pa rin ni Sarah.

Sa puntong ito ay nagpasalamat si Sarah sa mga fan niya.

“Salamat sa Popsters, kung may Popsters man dito. Salamat. Kalma lang tayo. Maraming salamat po sa inyong lahat,” saad ni Sarah.

Siyempre agad na ikinonek sa nangyayaring gulo sa pagitan ng mga fan niya na Popsters at kina Angeline Quinto at Morisette Amon. At siguro naman, makikinig ang mga fan ni Sarah sa pakiusap niya na ‘kalma lang’. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?