596

Dec 2, 2021 @ 19:19
By

Pops ‘natikman’ sina Aga, Piolo

Isiniwalat ni Pops Fernandez na naging dyowa niya ang dalawa sa mga celebrity heartthrob sa Pilipinas na sina Aga Muhlach at Piolo Pascual.

Nasabi ito ni Pops sa kanyang “Jojowain o Totropahin” challenge kasama ang mga kaibigan, na naka-post sa kanyang YouTube channel.

Kabilang sina Aga at Piolo sa pinagpilian.

Sey ni Pops, jojowain niya si Piolo dahil, “Na-jowa ko na siya, so jojowain. Jowa lang ha.”

“Totropahin” naman ang sagot ng singer pagdating kay Aga, kaya inasar siyang “plastic’ ng mga kaibigan.

Nagpaliwanag si Pops at sinabing ex-boyfriend na niya si Aga at gusto niya itong maging kaibigan.

“Hindi nga… friends. Bakit? Ex ko na siya so friends na tayo,” sambit ng ex-wife ni Martin Nievera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?