209
Popovich kay Williams: Huwag pupunta sa Lakers!
Apr 26, 2019 @ 18:57
By ,

Popovich kay Williams: Huwag pupunta sa Lakers!

Maugong ang usapan ngayon sa balitang pinasabog ng sports radio anchor na si John Gambadoro tungkol kay Monty Williams.

Matunog ang pangalan ng Philadelphia Sixers assistant coach matapos may dalawang NBA teams na nais kunin ang kanyang serbisyo.

Unang nagka-interes ang Phoenix Suns na kunin si Williams kapalit ng pinatalsik nitong coach na si Igor Kokoskov.

Ayon pa sa sources ng ESPN, magkikita aniya ang opisyales ng Suns at si Williams sa Toronto, ngayong Biyernes (Sabado sa Pilipinas) kasabay ng Game 1 semifinals series ng Toronto Raptors at Sixers.

Bukod sa Suns, napupusuan din ng Los Angeles Lakers na kunin si Williams matapos nitong bitawan si Luke Walton sa kabiguan nitong mailusot ang tropa sa playoffs.

Pero isang pasabog ang binulgar ni Gambo sa kanyang radio show nitong Huwebes (Biyernes sa Pilipinas), may coach daw na kumausap sa kanya at sinabihan daw si Williams ni Gregg Popovich na huwag tangappin ang alok ng Lakers.

“Gambo said on the radio today a coach told him that 1. Monty Williams is being told by Gregg Popovich to not take the Lakers job and apparently they are really close and 2. Monty Williams is apparently extremely interested in the Suns job and they think he will get it,” post sa reddit.com.

Wala pa rin opisyal na pahayag si Williams kung saan siya tutungo sa susunod na season ng NBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?