38

Mar 19, 2020 @ 9:29
By

Pope Francis suportahan sa world rosary mamayang alas-9:00 ng gabi- Bishop Pabilles

Nanawagan si Bishop Broderick Pabilles, Administrator ng Archdiocese ng Maynila sa mga Katoliko na samahan si Pope Francis sa World Rosary na isasagawa mamayang alas 9:00 ng gabi sa Roma.

Sa panayam sa DZMM sinabi ni Bishop ang pagrorosaryo ang pinakamainam na paraan sa ganitong panahon gayundin ang pagbabasa ng bibliya.

Hinimok rin niya na magfasting ang ilan at ito umano ang tamang panahon para magconnect sa Diyos at sa kapwa.

Hiniling rin ni Bishop na patuloy pa rin ang isinasagawang Oratio Imperata ganap na alas otso ng gabi at alas dose ng tanghali.

Simula ngayon ang mga simbahan ay magpapatunog na kampana.
“ Rosaryo ang tugon sa ganitong sitwasyon” ani Bishop.

Inanunsiyo rin ni Bishop na wala pa ring misa at public activities gaya ng misa pero may mga on line masses at recollection pa rin ang simbahan.
Ang Worldwide Rosary ay pangungunahan mamaya ni Pope Francis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?