64

Nov 10, 2017 @ 11:20
By

Pope Francis pinagbawal ang pagbenta ng sigarilyo sa Vatican

Ipinag-utos ni Pope Francis ang pagbenta ng sigarilyo sa loob ng Vatican dahil concern ito sa kalusugan ng mga kawani nito sa loob, ayon sa tagapagsalita nito na si Greg Burke.

“The motive is very simple: the Holy See cannot be cooperating with a practice that is clearly harming the health of people,” sabi ni Burke sa isang statement.

Binanggit nito ang istatistika ng World Health Organisation (WHO) kung saan pitong milyon ang namamatay sa mundo kada taon dahil sa pagsisigarilyo.

Sabi sa report, pinapayagan ang mga Vatican employees na bumili ng limang karton ng sigarilyo kada buwan.

May mga Italyanong hinihikayat ang kanilang mga kaibigan na nagtatrabaho sa Vatican na sa kanila na lang bumili dahil mas mura ito kumpara sa sigarilyong itinitinda sa loob.

Bagama’ t malaki aniya ang kita sa benta ng sigarilyo, sinabi ni Burke na marami naman ang namamatay dito kaya’t minarapat ng Santo Papa na ipagbabawala na lang ang pagbenta nito sa loob ng Holy See.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?