165

Dec 6, 2019 @ 18:47
By

Pope Francis pangungunahan ang Simbang Gabi ng Pinoy sa Rome

Nakatakdang magdaos si Pope Francis ng una niyang “Aguinaldo Mass” para sa Filipino community sa Rome.

Sa report mula sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), magaganap ito sa Disyembre 15.

Dagdag ng CBCP, ang ikaapat na “Aguinaldo Mass” ay isasagawa sa St. Peter’s Basilica sa Vatican ng alas-4:30 ng hapon o 10:30 p.m. sa Pilipinas.

Ani Scalabrinian Fr. Ricky Gente ng Filipino Chaplaincy sa Rome, unang pagkakataon ito na pangungunahan ng Santo Papa ang “Aguinaldo Mass”.

Dahil naman sa limitadong espasyo ng basilica, nasa 7,500 na mananampalataya lang ang kayang ma-accommodate sa misa.

Ang “Aguinaldo Mass” ay ginagawa ng siyam na sunod-sunod na araw hanggang sumapit ang Pasko.

Kinokonsiderang tradisyon sa Pilipinas ang “Aguinaldo Masses” o Misa de Gallo o Simbang Gabi sa mga Pilipino. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?