76

Nov 26, 2017 @ 18:24
By

Pope Francis niregaluhan ng rosaryo si de Lima

Abot-abot ang pasasalamat ni Sen. Leila de Lima para sa rosary na ipinadala sa kaniya ni Pope Francis.

Inihatid ng Philippine National Police (PNP) Chaplain kay De Lima ang Rosario noong Nobyembre 22.

Ipinaabot umano ng Papal Nuncio at ipinarating na nanggaling iyon kay Pope Francis bilang tugon sa sulat ng senadora.

“I cannot thank Pope Francis enough for his thoughtfulness. I’m deeply touched by his gesture,” ayon kay De Lima.

Noong Agosto, sumulat ang senadora kay Pope Francis kung saan humingi siya ng dasal para sa kaniya at para sa sambayanang Pilipino.

Sinabi niya sa kaniyang sulat na matindi ang paglabag sa karapatang pantao sa war on drugs ni Pangulong Duterte.

Sinabi rin niya roon na siya ay political prisoner at hindi niya inakala na magdiriwang siya ng ika-58 kaarawan sa loob ng kulungan na bunsod ng paglaban niya sa administrasyon. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?