143

May 2, 2020 @ 8:26
By

Pope Francis niluklok si Tagle bilang cardinal-bishop

Kasama na si Luis Antonio Cardinal Tagle sa 11 cardinal-bishop ng Roman Catholic Church.

Ito’y matapos na itaas ni Pope Francis ang kanyang panunungkulan bilang cardinal-bishop nitong May 1.

Ang nasabing posisyon ang pinakamataas sa College of Cardinals, huling nag-promote sa nasabing posisyon ay noong 2019.

Matatandaan na nitong 2020 lang ay iniwan ni Tagle ang pagiging Manila Archbishop, matapos na ibigay sa kanya ang posisyon sa isa sa pinakamahirap gampanan sa Vatican.

Lumipad patungong Vatican City si Tagle para maging prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples, ang pangunahing missionary department ng Simbahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?