93

Dec 10, 2017 @ 16:18
By

Pope Francis nagtalaga ng apostolic administrator sa Iligan

Itinalaga ni Pope Francis si Dipolog Bishop Severo Caermare bilang Apostolic Administrator ng Diocese of Iligan kasunod ng pagpanaw ni Bishop Elenito Galido nitong December 5, 2017.

Pangangasiwaan ni Caermare ang Diocese of Iligan habang wala pang napipili na magiging kapalit ni Galido.

Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), si Galido, 64, ay pumanaw dahil sa cirrhosis of the liver.

Labing-isang taon siyang nagsilbi sa Diocese of Iligan.

Nagtapos si Galido ng theology sa St. Francis Xavier Regional Major Seminary sa Davao City, at siya ay naging pari noong April 25, 1979.

Hinirang siya ni Pope Benedict XVI bilang obispo ng Iligan noong March 2006.

Naging aktibo si Bishop Galido sa pagtulong sa libu-libong pamilya na lumikas mula sa Marawi City dahil sa gyera.

Si Caermare naman na pansamantalang mangangasiwa sa iniwang posisyon ni Galido ay naging ganap na pari noong 1996.

Hinirang siya bilang Dipolog bishop noong 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?