17

Sep 10, 2021 @ 17:57
By

Pope Francis nagpa-ice cream sa mga preso

Nanlibre si Pope Francis ng mga ice cream sa dalawang kulungan sa Rome.

Pina-deliver niya ang nasa 15,000 ice cream sa mga kulungang Regina Coeli at Rebibbia, ayon sa The Guardian.

Umabot kasi sa 48.8C nitong Agosto ang init sa Italy, kung nasaan ang siyudad na Rome.

Sabi ng Vatican, kabilang ang mga donasyong ice cream sa mga “small evangelical gesture” na ginagawa nila kapag summer.

Noong June, nasa 20 inmate mula sa Rebibbia prison ang nakasama ng Santo Papa na bumisita sa Vatican Museums.

Maliban sa ice cream, nagbigay din ang charity office ng Vatican ng libreng COVID-19 test at bakuna sa mga palaboy at mahihirap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?