75

Feb 5, 2019 @ 18:56
By

Pope Francis nagdaos ng makasaysayang misa sa Arabian Peninsula

Tinatayang nasa 135,000 katao umano ang dumalo sa kauna-unahang papal Mass sa United Arab Emirates.

Inihayag ng Santo Papa ang misa sa wikang Italyano na isinalin sa Arabic habang nilagyan naman ng English subtitles sa giant screens sa Zayed Sports City Stadium sa Doha, Qatar.

Dito sinabi niya sa mga tao na dapat manatiling tagasunod ng Panginoon, isang araw matapos naman niyang umapela sa Christian at Muslim leaders na magkaisa para sa kapayapaan at iwaksi ang giyera.

Naghiyawan ang mga tao nang dumating sa Zayed Sports City Stadium si Pope Francis.

Kabilang sa isinigaw nila ang “Viva il Papa” at “We love you!”

Tinapos ang unang araw ng makasaysayang pagbisita ni Pope Francis sa Arabian Peninsula ng pagpirma ng mga lider ng Roman Catholic Church at Al-Azhar’s Sheikh Ahmed Al-Tayeb sa “Human Fraternity Document”.

Sa kuha ng isang netizen, makikita ang umpukan ng mga tao sa naturang misa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?