14

Feb 28, 2021 @ 9:58
By

Pope Francis inaasahang madedo sa Roma

“I will not go back to Argentina.”

Pahayag ito ni Pope Francis nang tanungin tungkol sa kamatayan, sa ulat ng America Magazine, isang publikasyon ng mga Heswita sa US.

Sa isang 2019 na panayam kay Argentinian journalist-doktor Nelson Castro, na nilabas nito lang Sabado, sinabi ng Santo Papa na inaasahan niyang pumanaw “as pope, either in office or emeritus.”

“And in Rome. I will not go back to Argentina,” punto niya pa na nangangahulugang inaasahan niyang mailibing sa Roma at hindi sa Buenos Aires, kung saan siya tumira sa halos tanang buhay niya.

Tinanong din ni Castro kung naiisip ba ni Pope Francis ang kamatayan, at tumugon ang huli: “Yes.”

Pero nang usisain kung natatakot ba siyang mamatay, sagot ng Santo Papa: “Absolutely not.”

Ang panayam ay ginawa ni Castro para sa kanyang bagong libro tungkol sa kalusugan ng mga pope, mula kay Leo XIII hanggang kay Francis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?