69

Jan 5, 2022 @ 22:12
By

Pope Francis binira mga ayaw mag-anak, ginagawang baby aso, pusa

Sinabi ni Pope Francis na “selfish” o makasarili ang isang magkarelasyon na mas pinipiling mag-alaga ng mga hayop kesa magkaanak.

Anang Santo Papa, mawawala ang sibilisasyon kapag pinalitan ng mga aso at pusa ang mga bata sa lipunan.

Dahil dito, hinimok niya ang mag-asawa “to take the risk” para maging magulang.

Aniya, marami raw mag-asawa ang walang anak dahil ayaw ng mga ito o kung mayroon man ay isa lang — pero may alagang mga aso at pusa.

“The other day, I was talking about the demographic winter that we have today. Many couples do not have children because they do not want to, or they have just one — but they have two dogs, two cats,” pahayag ni Pope Francis.

Saad pa niya, ang pagtangging maging ama at maging ina ay nagbubura sa sangkatauhan.

“Yes, dogs and cats take the place of children. Yes, it’s funny, I understand, but it is the reality, and this denial of fatherhood and motherhood diminishes us, takes away humanity,” aniya.

Giit pa niya, dahil sa pagiging makasarili na ito ng ilang mag-asawa, tumatanda ang sibilisasyon at nawawala ang kayamanan ng pagiging ama at ina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?