106

Jul 16, 2019 @ 22:46

Pons binangka ang Petron vs Generika

Nagbalumbon si Bernadeth Pons ng 18 points sa likod ng 17 attacks at 1 ace, may rekado pang 9 excellent receptions upang maipagpag ng Petron ang makupad na simula bago napadapa ang Generika-Ayala, 26-24, 25-12, 25-19, sa siklab ng 7th Philippine Superliga 2019 All-Filipino Conference second round eliminations Martes ng gabi sa Strike Gym sa Bacoor City.

Iwan pa ang Blazse Spikers sa 11-17 ng first set bago nakasingasing sa isang oras at 37 minutong salpukan upang madomina ang Lifesavers at kapitan ang segunda sa 7-1 win-loss record.

Nagmaneho ng 13 markers si Remy Palma at may 12 hits pa si Ces Molina, habang tanging naka-twin digits si Angeli Araneta na may 10 para sa G-A, na bumulusok sa tersera sa 5-3 kasalo ang Foton na sinagasaan sa pantaas ng kurtinang girian ang Sta. Lucia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?