35

Oct 31, 2017 @ 17:10

Pondo sa paglikha ng ‘judges-at-large’, umusad na sa Kamara

Inaprubahan ng House appropriaions committee ang funding requirements sa panukalang naglalayong lumikha ng mga posisyon para sa ‘judges-at-large’.

Ayon kay Committee chairman Karlo Nograles, kailangan nang maipasa ang panukala para mapabilis ang mabagal na criminal justice system sa Pilipinas dahil sa nakatambak na mga kaso sa mga korte.

“This measure presents a solution that aims to decongest court dockets in an efficient manner,” sabi ni Nograles.

Sa ilalim ng bill, ang mga hukom na walang permanenteng mga sala ay maaaring italaga ng Korte Suprema sa kahit saang korte sa bansa depensa pangangailangan.

Aamiyendahan nito ang sections ng Batas Pambansa (BP) Bilang 129 para makalikha ng 50 Regional Trial Judges-at-Large at 50 Municipal Trial Judges-at-Large.

Sabi ni Nograles, napapanahon ito lalo na sa harap nang maigting na kampanya kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte kung saan libo-libo na ang naaresto.

“Delaying the resolution of these cases is unfair to the defendant as well as the lawmen who risked their lives in the conduct of anti-drug operations. That’s why the speedy delivery of justice is so important–nobody has a monopoly over it,” paliwanag ng kongresista.

Nakasaad sa panukala na ang sahod ng 100 judges-at-large ay katumbas ng tinatanggap ng Regional Trial Judges, Metropolitan Trial Judges, Municipal Circuit Trial Judges, at Intermediate Appelate Justices.

Meron din silang displacement allowances para sa tirahan, pagkain, transportasyon at iba pang pangangailangan habang nakatalaga sa mga korteng malayo sa kanilang tinitirhan. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?