32

Oct 2, 2017 @ 15:00

Pondo sa Marawi rehab, kulang na kulang – Win

Kailangang madoble ang pondo para sa rehabilitasyon sa Marawi City na dinurog ng mga miyembrong Maute Group, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Batay sa kanyang obserbasyon sa lungsod, kukulangan ang P20 bilyon inisyal na inilaang pondo upang ibangong muli ang Marawi.

“We will need to spend at least P47 billion to make sure that facilities will be rebuilt and, more importantly, to bring the lives of the people back to normal,” saad ni Gatchalian.

Nangako ang senador na isisingit sa plenary deliberations ng General Appropriations Bill na madoble ang pondo para sa Marawi.
“Marawi’s economy is at a standstill right now. What we have to do now is jumpstart it, and to do that we are looking at a figure of around P40 billion,” pahayag ng Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs.

Binigyang-diin ng senador na miyembro rin ng Senate Special Committee on Marawi City Rehabilitation na ayun ng rehablitasyon na mapaganda ang kalidad ng buhay sa lungsod matapos ang pananalakay ng mga terorista.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?