15

Oct 1, 2020 @ 18:13
By

Pondo sa Manila Bay, ‘di puwedeng gamitin sa COVID response – Roque

Hindi uubrang gamitin sa pagtugon sa problema sa COVID-19 ang pondong inilaan ng gobyerno para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ito ang tugon ng Malacañang sa mga kritisismo na sa halip gastusin sa dolomite ang pondo ay gamitin na lamang ito sa pagtugon sa COVID pandemic.

Inihayag ng University of the Philippines Marine Science Institute na hindi sagot sa problemang pang-kalikasan ang pagtambak ng dinurog na dolomite sa Manila Bay.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasimulan na ang rehabilitasyon sa Manila Bay kaya kailangang tapusin ito.

Maaari lamang aniyang magamit sa iba ang pondo sa isang proyekto kung hindi pa ito nasisimulan.

“Nasimulan na po iyan eh, so kinakailangan tapusin po iyan. Itong project na ito was proposed two years ago, included in last year’s budget,” ani Roque.

Nasa P28 milyon na ang nagamit ng Department of Environment and Natural Resources sa rehabilitasyon at paglilinis ng Manila Bay mula sa kabuuang pondong inilaan sa proyekto na P389 milyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?