22

Sep 10, 2021 @ 15:42
By

Pondo para sa mga proyekto iniipit – CDO rep

Hinimok ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez si Pangulong Rodrigo Duterte na ilabas na ang P160 bilyong pondo na inilagay nito sa “For Later Release” (FLR) category.

Ayon kay Rodriguez, maituturing na paglabag sa Konstitusyon ang ginagawang pag-ipit sa pondo na para sa mga proyekto na nakasaad sa 2021 General Appropriations Act.

“The DBM has effectively hijacked these funds by withholding them. The President should direct the DBM to immediately release the money,” sabi ni Rodriguez.

Sinabi ni Rodriguez na mayroong veto power ang Pangulo pero hindi niya ito ginamit upang mabura ang mga proyekto. Sa halip ay inilagay nito ang pondo sa “FLR” na dapat na umanong ilabas ng DBM.

Ayon kay DBM officer-in-charge Tina Rose Marie Canda kailangang aprubahan ng Office of the President ang paglabas ng FLR fund.

“The President’s approval is not needed for their release because they are contained in a law,” dagdag pa ni Rodriguez.

Mistulang minamaliit din umano ng paglalagay sa FLR ang kapangyarihan ng Kongreso na siyang binigyan ng power of the purse ng Konstitusyon.

“That would render the exclusive power of Congress to appropriate public funds useless. What is the use of enacting appropriations if Malacañang is given the power of life and death over them?” wika pa ng solon.

Hindi rin umano malayo na maakusahan ang Malacañang na ginagamit ang pondo sa pamumulitika at ang mga bibigyan lamang ay ang mga kaalyado nito.

“The President, who has accepted the nomination of the administration party for him to run for vice president in next year’s elections, needs the support of everybody. There should be no favoritism in the release of FLR funds,” punto pa ni Rodriguez.

Sinabi ni Rodriguez na ang paglalabas ng FLR fund ay mangangahulugan ng dagdag na trabaho at kabuhayan na kailangan ngayon ng maraming Pilipino na naapektuhan ng pandemya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?