58

Jun 1, 2019 @ 10:25
By

Pondo para sa Marawi siege hindi nawawala – OCD

Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) administrator at Office of Civil Defense (OCD) executive director na si Ricardo Jalad na ang P36.91 milyong donasyon ay hindi nawawala.

Matatandaang kinalampag ng Commission on Audit (COA) ang OCD patungkol sa paggastos nito ng P10,000 lamang mula sa kabuuan na P37 milyon noong 2018 para sa mga biktima ng Marawi siege.

Ayon kay Jalad, mayroon nang nailabas na P5.164 bilyon nitong Mayo 30 para sa rehabilitasyon ng Marawi at reconstruction program, samantalang P4.8 bilyon naman noong taong 2018.

Ang dahilan umano ng mahinang paggamit ng donasyon ay ang paglalaan nito sa Quick Respond Fund upang matiyak ang mabilis na paghahatid ng mga serbisyo sa mga biktima ng Marawi.

Aniya, “The reason for the low utilization of the donated funds is that the OCD was instead utilizing its Quick Respond Fund to ensure the expeditious delivery of services to the victims of Marawi.”

Ayon kay Jalad, may ginamit ang P5.1 bilyon para sa iba’t ibang mga proyekto, programa, at aktibidad tulad ng pagbibigay ng tulong para sa negosyo at pangkabuhayan, pabahay, land resource management, reconstruction, at health and social services.

“As of this date, the total funding requirement for this year’s (projects are) in the amount of P10 billion, for which the NDRRMC funds only has about P8 billion available,” dagdag pa niya.

Tinatayang pagdating ng Hunyo, magagamit ng OCD ang isa pang P1 milyon mula sa donasyon para sa Ramadan holiday project ng TFBM.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?