49

Dec 22, 2017 @ 18:46
By

Pondo para sa Christmas party ng DTI, ibinigay sa Marawi heroes

Maliit kung ikukumpara ang sakrispisyong ginawa ng mga opisyal at kawani ng Department of Trade and Industry sa sakripisyong ginawa ng mga sundalo para mabawi sa mga terorista ang Marawi City.

Kinansela ng DTI ang kanilang Christmas party ngayon taon at ang pondo ay ipinambili ng Kabuhayan Starter Kit.

Bukod dito, ang mga pamilya na naiwan ng 29 napatay na sundalo ay tumanggap din ng kabuuang P100,000, mga regalo, gift certificates at laruan.

Ang mga pamilya ay inalok din ng equity financing financing packages para sa mga negosyo na binabalak nilang masimulan. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?