10

Sep 15, 2021 @ 16:16
By

Pondo para sa apat na palaro inilaban ng POC chief

Determinado si Philippine Olympic Committee (POC) president at Rep. Bambol Tolentino na magkaroon ng budget para suportahan ang kampanya ng Pinoy athletes sa apat na malalaking international competition sa 2022.

Ang mga kompetisyong tinutukoy ni Tolentino ay ang Beijing Winter Olympics, Asian Indoor and Martial Arts Games sa Thailand, Guangzhou Asian Games at Shantou Asian Youth Games.

Inilaban ni Tolentino, kinatawan sa kongreso ng Tagaytay City, sa Kamara ang pagkakaroon ng budget para sa apat na kompetisyon. Nakakuha na rin daw siya ng suporta mula sa Senado.

“The budget hearings are coming up so we have to be steadfast,” ani Tolentino.

“We have our sports heroes in gold medalist Hidilyn Diaz, silver medalists Nesthy Petecio and Carlo Paalam and bronze medalist Eumir Felix Marcial and the 15 other athletes who fought mightily in Tokyo. Their success and how they campaigned changed the landscape of Philippine sports,” dagdag pa ng POC president.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?