20

Nov 23, 2021 @ 11:28
By

Pondo ng PSC pinabawi dahil sa Obiena, Patafa issue

Pinababawi ng Senado ang naunang pag-apruba nito sa panukalang 2022 budget ng Philippine Sports Commission dahil sa ‘hands-off’ approach nito sa isyu ng bangana sa pagitan ni pole vaulter Ernest John Obiena at Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa).

Si Senadora Pia ang nagsulong na bawiin ang pondo ng PSC sa budget plenary deliberation sa Senado noong Lunes ng gabi.

“Now the reason I am asking for the recall of the budget of PSC is because PSC took a hands-off approach. They said: ‘Work it out.’ How can you do that to your national athlete? Work it out? Look into it. Pakialaman mo naman.”

“Bigyan mo naman ng halaga ang ating national athlete na inakusahan na lang ng ganun ganun na lang. Wala pang basis, because no less than the coach said that he has been paid,” dagdag pa nito.

Una rito, sinabi ng Patafa na pinalsipika ng Obiena [nagtapos ng pang-11 sa pole ault sa nagdaang Tokyo Olympics], ang liquidation report. Inutusan ng Patafa si Obiena na ibalik ang €85,000 (P4.8 milyon) sa national sporting association.

Inakusahan din si Obiena nang hindi pagbabayad ng suweldo sa kanyang coach na si Vitaly Petrov.

Subalit pinabulaanan ng Pinoy pole vaulter sa isang press conference na hindi naibigay ang suweldo ni Petrov para sa kanyang serbisyo mula kasagagan ng 2018.

Pormal nang naghain si Obiena ng reklamo laban sa Patafa sa Philippine Olympic Committee (POC), the International Olympic Committee (IOC), at World Athletics.

“I’ve filed formal complaints with the POC, IOC, and the World Athletics, as we are now talking standard defamation of character,” sabi ni Obiena.

“This is a young man with a beautiful career ahead of him. Anyone who has ever tried to participate in sports can just imagine the emotional and mental anguish that this young boy is going through these accusations of Patafa,” pagpapatuloy ni Cayetano.

Inaprubahan naman ng Senado ang mosyon ni Cayetano na i-reconsider ang pondo ng PSC na inaprubahan sa plenaryo noong nagdaang linggo. (Dindo Matining)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?