83

Oct 12, 2017 @ 17:40

Pondo ng Oplan Tokhang, ililipat sa PDEA – Koko

TATAPYASIN sa budget ng Philippine National Police (PNP) ang P900 milyon na inilaan para sa Oplan Double Barrel makaraang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang mangangasiwa sa war against drugs.

Ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel, posibleng ilipat sa PDEA ang bahagi ng pondo habang ang iba ay ilalaan sa social services.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto na irerekomenda niyang i-realign ang budget para sa Internal Affairs Service (IAS).

“They  (IAS) need it badly to be able to stregthem their investigation processes against the PNP personnel, ni wala silang mga sasakyan,” pahayag ni Sotto.

Kasabay nito, hinikayat ni Pimentel ang PDEA na unahing targetin ang malalaking manufacturer at supplier ng droga.

“Yung mga bigtime manufacturer ung mga big time supplier, yun ang habulin natin. Kung walang 100 kilos e di walang 100 grams na dinidistribute sa daan,” saad ni Pimentel.

Naniniwala naman si Senador Sherwin “Win” Gatchalian na maibabalik ng PDEA ang tiwala ng taumbayan sa kampanya laban sa droga.

“Ultimately, I believe the President’s decision will put an end to the bloodshed and make the streets safer for everyone, especially to our children,” giit ni Gatchalian.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?