10

Sep 14, 2020 @ 22:02
By

Pondo ng Ombudsman, tinapyasan ng P742M

Mahigit P742 milyon ang ibinawas sa pondo ng Office of the Ombudsman sa ilalim ng panukalang 2021 national budget, na isang paglabag sa Konstitusyon at sa Ombudsman law.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Assistant Ombudsman Weomark Layson na P3.36 bilyon lang ang inilaan sa ahensiya para sa 2021 na mas mas mababa sa kasalukuyang budget na P4.105 bilyon.

“Our budget is lower by P742 million compared with our current budget which is not in accordance with fiscal autonomy as provided by the Constitution and RA 6770,” pahayag ni Layson sa mga senador.

Sa Article 11, Section 12 ng Konstitusyon, ang Office of the Ombudsman ay may karapatan sa fiscal autonomy kung saan ang naaprubahang annual appropriation ay dapat awtomatiko at regular na nire-release.

Nakasaad din sa Section 38 ng Ombudsman law na, “The Office of the Ombudsman shall enjoy fiscal autonomy and as such, “appropriations for the Office of the Ombudsman may not be reduced below the amount appropriated for the previous years and, after approval, shall be automatically and regularly released.”

“We ask for the restoration of at least P1.2 billion [to our proposed budget] because P1 billion of that is for our personnel services and P200 million for capital outlay,” saad pa nito.

Sinang-ayunan ito ni Ombudsman Samuel Martires at sinabing kailangan nilang palakasin ang field offices at dagdagan ang manpower para sa paghawak ng mga administrative case.

Aniya, ang hirit nilang dagdag na P1 bilyong pondo ng ahensiya ay ilalaan sana para sa benepisyo ng mga kawani nito.

“This (P1 billion budget) is for employees’ benefits. We need to hire additional lawyers and investigators and additional bureaus in our field offices solely for administrative cases,” ani Martires. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?