6
eduardo-ano
By

Pondo ng Masa Masid, ‘fully accounted’ – Año

Sharing is caring!

Lahat ng pondo ng Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga (MASA MASID) ay walang iregularidad sa paglipat ng P99-milyon sa tatlong sangay ng pamahalaan noong huling quarter ng 2017, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni DILG OIC-Secretary Eduardo M. Año, ang paglipat ng pondo ay kinakailangan upang makatulong ang tatlong sangay para palakasin ang kampanya ng gobyerno laban sa kriminalidad, ipinagbabawal na droga, korapsyon at violent extremism.

Aniya, ang paglipat ng naturang pondo sa Presidential Communications Operations Office (PCOO), Philippine Public Safety College (PPSC), at Local Government Academy (LGA) ay napagkasunduan ng DILG management pagkatapos ng Budget Hearing ng Senate Committee on Finance noong Oktubre 2017, kung saan tinalakay ng mga senador ang kahalagahan ng naturang proyekto.

Sa 2017 annual report ng Commission on Audit (COA) ay kinuwestyon nito ang paglipat ng P99-million sa tatlong ahensya, ang diumano’y unliquidated ASEAN funds, gayundin ang tamang paggamit ng MASA MASID funds.

Ipinaliwang pa ni Ano na ang paglipat ng mga pondo sa tatlong ahensya ay naaayon sa COA Circular 94-013 noong December 13, 1994 kung saan nakasaad dito ang tamang patakaran ng liquidation of funds na ililipat sa mga implementing agencies sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement.

May kabuuang P10.5-million ang inilipat sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) upang palakasin at makatulong sa advocacy at education campaign ng MASA MASID Project.

Sinabi pa ni Ano na ang tatlong ahensya ay ginagawa na ang kanilang terminal report at inatasan nang ibalik ang natitirang pondo sa DILG.

“Ang mga naturang proyekto ay kasalukuyang isinasagawa kaya ang mga ito ay hindi naisama sa COA’s 2017 report,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?