57

By ,

Ponce, Permentilla petmalu, Adamson nakaganti sa UP

Binawian ng Adamson University (AdU) Lady Falcons ang University of the Philippines (UP) Lady Maroons 25-20, 25-23, 25-19 sa second game ng UAAP Season 81 women’s volleyball Sabado sa The Arena sa San Juan.

Tinapos ng Lady Falcons ang kampanya sa UAAP sa panalo hawak ang 2-12 baraha.

Hinirang na best player of the game ang libero na si Thang Ponce na pumoste ng 31 digs at 15 excellent receptions.

Nanguna naman sa opensa ang second-year na si Chiaria Permentilla na humampas 16 points habang may 11 markers ang graduating middle blocker na si Joy Dacoron.

Sinamantala ng Adamson ang pangit na performance ng mga ace player ng UP na sina Isa Molde at Tots Carlos at winalis ang tropa sa tatlong sets.

Hindi naman agarang bumitaw ang Lady Maroons at sinubukan pang ipwersa sa isa pang set ang laro pero nagpatuloy ang pagiging inconsistent nito, lalo sa third, na tuluyang nagpalubog sa kanila.

Tinapos naman ng UP ang kanilang UAAP campaign sa pagselyo sa 5th place hawak ang 6-8 na kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?