12

Jan 2, 2021 @ 20:50
By

Polusyon sa hangin nabawasan sa paputok ban

Bumaba ang air pollution level sa pagsalubong sa 2021 kumpara noong 2020, ayon sa Department on Environment and Natural Resources (DENR).

Batay sa post-New Year celebration report, sinabi ni Secretary Roy Cimatu na natapyasan ang antas ng polusyon sa hangin ng hanggang sa 59 porsyento dahil sa pag-ban sa paputok.

Nakapagtala ang DENR ng average na 87 micrograms per normal cubic meter ng particulate matter-10 o PM10 na maaaring malanghap ng isang tao.

Kung nalanghap, ang PM10 ay pinaniniwalaan na nauugnay sa mga sakit sa baga at karamdaman, na sinasabi rin ng ilan na maaaring maging sanhi ng mga lung-related cancer.

“An average concentration of 87 micrograms per normal cubic meter (ug/Ncm) of Particulate Matter was obtained by DENR-Environmental Management based on the measured data between 12 midnight of December 31, 2020 to January 1, 2021 from its six air quality monitoring stations (AQMS) in Caloocan, Marikina, Navotas, Pasig, Parañaque and Taguig cities,” pahayag ng DENR.

“Last year, the six AQMS yielded an average of 213 ug/Ncm, thereby accounting for a 59-average percent drop compared to its New Year’s Eve data on January 1, 2020,” dagdag nito.

Ayon sa DENR, ang limitasyon para sa PM10 concentration ay itinakda sa 150 ug/Ncm, sa ilalim ng Clean Air Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?