41

Sep 8, 2021 @ 20:00
By

Polo Ravales tatay na

Masayang ibinalita ni Polo Ravales ang pagsilang ng unang anak sa fiancée na si Paulyn Quiza.

Sa Instagram, sinabi ng aktor na ipinanganak si baby Yatrick Paul noong September 5.

“Yatrick Paul Quiza Gruenberg. Born on September 5, 2021 at 8:58am.Thank you God for a normal delivery and a very healthy Baby P,” caption ni Polo.

Na-engage sina Polo at kanyang personal online trainer na si Quiza noong December 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?