260

Dec 26, 2017 @ 17:10
By

Polka dots, torotot bida na sa tiangge sa Pasay

Naglabas na ng mga produktong para sa pagsalubong ng bagong taon ang mga tindero at tindera sa tiangge sa Libertad, Pasay City.

May nagtitinda na ng mga damit na may polka dots na sinasabing mag-iimbita ng suwerte at pera sa pamilya.

Ang presyo ng polka dots ay mula P50 hanggang P150 depende sa sukat at sa dami ng bibilhin.

Mayroon ding nagbebenta nang mga torotot na ang presyo ay mula P10 hanggang P100 depende sa klase.

Namulaklak din ang nagtitinda ng mga lucky charm na akma sa Yar of the Dog sa 2018.

Wala namang nagbebenta ng paputok at pailaw.

Ang mga magtitinda ay sumakop sa kanang gilid na bahagi ng Libertad, mula sa Taft Avenue hanggang sa Zamora Street.

Wala namang namataan na nagbebenta ng mga paputok at pailaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?