935

By

Politikong mister ni Lindsay Custodio, pumanaw na

Sharing is caring!

Sumakabilang-buhay na ang asawa ng dating aktres na si Lindsay Custodio na si dating Tanauan, Batangas Vice Mayor Julius Platon nitong Lunes.

Ayon sa ulat, inatake sa puso si Platon habang nagmamaneho sa may South Luzon Expressway.

Nakatakda umano ang burol ng 43-anyos na dating bise alkalde sa Martes sa Heritage Memorial Chapel sa Taguig.

Matatandaang kamakailan lang nagsumite si Platon ng kanyang certificate of candidacy upang muling tumakbo sa pagka-vice mayor ng Tanauan.

Sa Facebook page na Colorful Tanauan makikita ang mensahe ng pamilya Platon sa maagang pagpanaw ng dating bise alkalde gayundin ang kumpletong detalye ng kanyang burol at libing.

To our dearest family and friends, it is with a heavy heart that we inform you all of the sudden and untimely passing of…

Posted by Julius Platon II on Monday, November 19, 2018

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?