16
views

By

Politika opsiyon na ni ex-CJ Sereno

Sharing is caring!

Inihayag ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ikinukonsidera na niya ang pagpasok sa politika.

Ayon kay Sereno bukas na siya sa posibilidad sa pagtakbo sa pagka-senador sa eleksyon sa susunod na taon.

Ngunit ayon kay Sereno hindi pa siya opisyal na iniimbiitahan ng Liberal Party para maging opposition candidate.

Dagdag pa nito tinitimbang pa rin niya ang lahat ng posibleng opsyon sabay diin na kailangan pa niya ng panahon para magdesisyon.

Nang mapatalsik sa puwesto naging aktibo na si Sereno sa pagbatikos sa administrasyong-Duterte. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?