78

Dec 24, 2018 @ 13:03

Politika hinihinalang motibo sa pagpatay kay Batocabe

Pearl Serrano

Naniniwala si Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin na hindi New People’s Army (NPA) ang pumatay sa kanyang kasamahang si Cong. Rodel Batocabe.

Katuwiran ni Garbin pabalik-balik na si Batocabe sa mga barangay na kilalang strong holds ng mga rebelde pero walang anumang harassment na nangyayari sa isinasagawa nitong humanitarian services.

Ayon sa kongresista, dalawang taon na mula ng magdeklara si Batocabe na tatakbong alkalde sa Daraga, Albay.

Mula aniya noon ay paborito na nitong puntahan ang mga liblib na lugar na nangangailangan ng tulong para maghatid ng medical, educational at livelihood program. Dahil dito’y malakas ang paniniwala ni Garbin na pulitika ang tanging dahilan nang pagpaslang kay Batocabe.

Sa kabila nito’y ipinapaubaya pa rin ng kongresista sa mga awtoridad ang imbestigasyon at umaasa itong mabilis na mahuhuli ang mga nasa likod ng krimen.



Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?